"Walang taong takot magmahal, sadyang takot lang tayong masaktan nang dahil sa pagmamahal.."
Love. Napakaiksing salita, pero may napakalaking epekto sa iba't-ibang uri ng tao. May mga tao na marinig palang ang salitang 'to, interesadong interesado na. Yung tipong 'pag may discussion kayo sa math tapos biglang dumating sa mga crush yung usapan, halos buong klase na ang pwedeng awardan ng "Most Participative". O kaya naman yung tipong wala ka namang pakialam sa pinag-uusapan ng ibang tao, pero 'pag may narinig ka tungkol sa crush mo eh, daig mo pa ang butiking may hinahabol na langaw sa bilis tumakbo.
Siguro karamihan sa atin ang ganyan. Pero meron pa'ring iilan na kahit ilang beses mo nang subukang kausapin tungkol sa love, eh, isa lang ang sinasabi. "Kalokohan lang 'yan."
Sila yung mga bitter. May pinagdaanan, pinagdadaanan o sadyang wala lang talagang nalalaman.
Marami sa mga tao ngayon ang sinasara ang puso sa love. Kasi raw, may mas mga mahalaga pang bagay kesa dyan. Tama naman di'ba? Para sa mga taong desidido sa pag-aaral, mas masaya nga namang maging mayaman, makapagtrabaho at sumuweldo ng malaki kesa makipagdate sa isang tao na makikipagbreak rin sa'yo sa huli. Yun namang mga choosy, mas masaya nga naman talagang maghintay para sa pinakabagay sa'yo kesa magmadali at makasama ang isang taong wala namang kasiguruhang magtatagal sa buhay mo.
Lahat tayo iba-iba ang rason kung bakit di masyadong iniintindi ang mga gan'tong bagay, mga rason kung bakit pinag-iisipan ng mabuti ang usaping ito. Hindi sila takot magmahal, sadyang futuristic lang at palaisip kung ano ang mga pwedeng mangyari kapag may nangyari sa maling lugar, maling oras, at lalong-lalo na, sa maling tao.
Walang taong takot magmahal, sadyang takot lang tayong masaktan nang dahil sa pagmamahal.