Thursday, January 3, 2013

Isabelina Debating Circle


Isabelina Debating Circle.


Siguro sa lahat ng club na sinalihan ko, ito ang pinakagusto ko.

February 2011. Grade 8 nang napilit ako ni Paula na sumali sa IDC. Syempre, wala akong kaalam alam sa debate nun. Natakot ako nun eh. Di ko kasi alam kung anong klaseng adventure na naman ang pinasok ko. Pero keri. Sumali kami ni Paula.

"Why did you join IDC?", yan ang itinanong nila sa amin sa unang meeting.

At dahil honest ako, sinabi kong sumali ako dahil sa pamimilit ni Paula.

Summer 2011. Summer Debate Camp. Dito ko naexperience magsalita sa loob ng 7 minutes nang hindi nakasulat nang maayos ang sasabihin. Dito ko nakilala ang mga ex- debaters ng school namin. Yung mga nagtiyagang turuan kami hanggang sa matuto kami.

Somewhere in the 4th Quarter of 2011. First Debate Tournament ko. Quarter finals lang ang inabot namin ng partner ko. Naubos pa nga boses ko eh. Imagine niyo nalang ang isang babaeng talak nang talak pero gasgas ang boses.

Summer 2012. Ayan. SDC ulit. Umabsent ako ng ilang araw. Natatakot kasi ako. Hindi ko alam kung saan o kanino.

School Year 2012-sometime. Training. Hanggang gabi. Nakakapagod pero masaya. Masayang masaya.

At dito na talagang magsisimula ang madrama kong... ano nga ba 'to? Basta.

Hi. Meet my IDC.



Tong mga taong 'to, wala. Di ko alam kung paano ko ieexplain kung gaano sila kaimportante sa buhay ko.

Nung nagsimula kasi ako sa debate, wala akong gana. Di ko pa kasi siguro naappreciate noon ang debate. Pero ngayon, appreciated na appreciated na.

Dahil sa debate, natuto akong magbago. Natuto akong ipaglaban ang anumang sa tingin ko, tama. Natuto akong gumawa ng false matter at mag-imbento ng statistics. Natuto akong umuwi nang gabi dahil sa training. Natutunan ko ang "at the end of the day" at "we see here". Natuto akong mag "Hear" at "Shame". 

Natuto ako sa debate. At hindi lang basta natuto. NATUTO.

Pero, hindi rin naman siguro ako magtatagal sa debate kung hindi dahil sa mga kasama ko. Dahil sakanila, natutunan kong mahalin ang bagay na di ko noon gusto.

Sila kasi ang dahilan kung bakit ko minahal ang debate. Siguro baliktad sakanila. Minahal nila ang IDC dahil sa debate. Pero para saakin, minahal ko ang debate dahil sa IDC.

Dahil sa pagtetraining namin nang magkakasama, nag-evolve ako as a debater. Ang daming nagbago sa buhay ko dahil sa IDC.

Yung achievements ko (kung meron man), bonus na lang 'yon. Dahil ang nakuha ko sa debate na talagang pinahahalagahan ko, ay ang relationships na nabuo ko kasama 'tong mga to.

Konting buwan na lang aalis na kami. Kaya magrecruit kayo ng members kasi mauubos na tayo -_- Joke. Pero gusto kong malaman ninyo na hinding-hindi ako nagsisi, nagsisisi o magsisising nakilala at nakasama ko kayo. Mahal ko kayo, eh! :3 Gayness.



"Be it victory or defeat, our hearts have only one beat. In every test we shall strive. IDC, keep the fire alive!"


One Size Fits All



Nalilito ka na ba? Oo? Hindi? Baka? Ano ba talaga?

Ang dami dami nang tanong ang narinig ko tungkol sa love.

Totoo ba ang love?
Bakit mahirap mainlove?
Masaya ba mainlove?

Madalas akong makipag-away sa isa 'kong kaibigan tungkol sa topic na 'to. Para sakanya kasi, ang love ang pinakamasayang pakiramdam sa mundo. Ang love, angat sa lahat. Basta para sakanya, love transcends all. Feeling ko nga siya ang number one fan ng love eh.

Siguro nga tama siya. Pero siguro rin, mali siya. Meron naman tayong kani-kaniyang pag-tingin sa love eh. Merong malaki ang tiwala, at merong mga tulad ko, na may mga pag-aalinlangan pa.

Ano nga ba ang mga uri ng tao pagdating sa love?

  • The Scientists. Eto yung mga taong may matinding paniniwala na ang love ay isang emosyong dala ng isang chemical reaction na nangyayari sa utak ng tao. 'Yung mga taong matatalinong nagawang gawan ng scientific explanation ang love at siguro sa future, eh makabuo ng scientific procedure para masigurong maiinlove sa'yo ang crush mo.
  • The Generous. Eto yung mga taong nagsasabi na ang love ay pagbibigay nang walang hinihintay na kapalit. Nakakaewan lang 'no? Yaman naman nila sa pagmamahal, nagawa pang mamigay ng libre. Kaya kayo inaabuso eh.
  • The Green. Sila yung mga taong naniniwala na ang love ay isang sexual attraction. Yun lang. Sila ang mga susunod na author ng One Hundred- Fifty Shades of Green.
  • The Hopeless Romantics. Yung mga masyadong nalulong sa pagmamahal. Ang lalim mag-isip at ang lakas ng loob umasang mangyayari ang iniisip. Kasama dito yung mga Generous at Oppressed, sort of. Pati na rin yung wagas maka-crush. Crush pa lang, wagas na maka-emo pag dineadma.
  • The Enchanted. Nakakatawa. Sila yung masyadong nadala ng kwento nina Snow White at Cinderella kaya nagfifeeling fairytale ang buhay nila. Kasama rin dito yung mga nagbabasa sa Wattpad, ang numero unong kaaway ng mga lalaki. Dahil daw kasi dito, lalong tumataas ang expectations ng mga babae. Masyado na kasing na-enchant ng wagas na love stories.
  • The Dictators. Yung mga ginagamit ang love para macontrol ang ibang tao. Lambing dito, lambing doon. Utos dito, utos dun. O di kaya, sumbat dito, sumbat doon para lang makuha ang gusto. "Kung mahal mo talaga ako, gawin mo 'to."
  • The Oppressed. Yung mga kinawawa ng dictators gamit ang love. Handang ibigay lahat para sa minamahal. Kinontrol ng iba at nagpa-control naman ang mga loko. Under pa sila ng Hopeless Romantics.
  • The Emo. Nasaktan daw dahil sa love. Pilit ipinagsisigawan sa mundo na handa siyang magpakamatay, dahil lang may ibang mahal ang mahal niya. Maglalagay ng sobrang kapal na eye liner at mascara at paluluhain ang sarili niya. Tapos pipicture-an ang sariling may itim na luha at ipopost sa lahat ng Social Networking Sites para ipakitang "nasaktan" siya. Parang ewan lang.
  • The Bitter. Yung mga taong either nasaktan, may pinagdaanan, pinagdadaanan o sadyang wala lang talagang nalalaman. Naniniwalang ang pinakamabuting paraan para hindi masaktan, ay magpanggap na wala kang nararamdaman. Pakiyeme epek, bibigay rin naman.

Pwedeng isa ka diyan o di kaya kombinasyon ng iba't ibang uri.


Para saakin (saakin lang naman ah), karamihan sa mga tao ngayon, mali ang iniisip tungkol sa love. Balik tayo dun sa kaibigan kong number one fan ng love. Minsan kaming nagkausap tungkol sa topic na to.



Siya: Ba't ba ang bitter-bitter mo?

Ako: Di naman ako bitter ah. Cynical lang.

S: Yun na rin yun eh. Bakit ka ba kasi ganyan?

A: Ewan. Di kasi ako naniniwala sa "love".

S: Kawawa. Tss. Bakit nga?

A: Kasi maling mali ang pagtingin ng mga tao sa love.

S: Huh?

A: Huh huh ka diyan. Ano ba ang love?

S: Love. Yung lagi kang masaya pag kasama mo siya. Isipin mo palang siya kinikilig ka na.

A: Yan ang rason ko kung bakit di ako naniniwala. Actually naniniwala pero hindi sa "love" ng mga tao ngayon. Masyado niyo kasing minamaliit ang love eh. Para sainyo, kasiyahan lang ang love. "Inlove" ka dahil masaya kang kasama niya, dahil sa atensiyon o kaya thrill na binibigay niya. Porke't ba kahit nasasaktan ka na pero masaya ka pa rin, inlove ka na? Di ba pwedeng baliw ka lang talaga? Naniniwala naman talaga ako sa love eh. Pero mas malalim ang pinapaniwalaan kong love kesa diyan sa kababawang yan.

S: Paresend. Some text missing kasi.


Basta bago matapos ang pag-uusap naming 'yon, alam kong napag-isip ko siya. Sabi niya nga, tama raw ako eh. Di pa raw pala siya naiinlove. Salamat raw at nalinawan siya.

Pero mali yun. Para saakin tama yung mga sinabi ko. Pero tandaang hindi lahat ng tama para sa iba eh, tama na rin para sa'yo. Ang love eh hindi belt na one size fits all. Lahat tayo, may kani-kaniyang pagtingin sa love. At ang pagtingin na yan ay nakabase sa ating mga karanasan.

Sa huli, walang saysay ang pagbabasa mo ng blog entry na to kung naghahanap ka ng love advice. Ikaw ang nakakaalam kung ano ba talaga ang kailangan mo. May sarili kang defintion ng "love" na hinubog ng mga experiences mo. Tandaan:



"Love can never be defined because it is love that defines."


Kung gusto mo lang namang tandaan. Ikaw parin naman ang bahala.


xd