"Kapag tayo ay nagmahal, lahat ng bagay may kabuluhan."
Masayang buhay. Simpleng pakinggan, pero parang ang hirap makamtan. Lahat tayo, nangangarap ng magandang buhay. Lahat tayo, may gustong marating at maipagmalaki 'pag dumating ang ating oras.
Marami saatin ngayon ang nawalan na ng pag-asa sa buhay. Marami ang mas pinipiling sumuko at kunin ang sariling buhay kaysa subukang lumaban. Masyado nating sinasarili ang mga problema natin gayong maraming taong nakapaligid saatin na handang tumulong. Sila yung mga taong hindi tayo iiwanan. Mga taong tunay na nagmamahal saatin. Sa buhay, mahalaga ang ating mga kasama. Sila ang magsisilbing gabay at katuwang natin sa mga problemang kakaharapin natin.
Ang kasiyahan ay madaling makamit. Ang lahat ng bagay ay may dalawang mukha. Kailangan lang nating makita ang kagandahan ng isang bagay upang ito ay makapagbigay-saya saatin. Halimbawa, sa kwento ng Titanic, napakalungkot nito dahil sa rami ng taong namatay. Pero kung titignan natin ang nangyari sa paningin ng mga hipon at alimango sa kusina ng barko, ang pangyayaring ito ay may ibinungang maganda.
Simple lang naman ang dapat nating gawin para maging masaya tayo. Hindi naman kailangang kabisado natin ang Fundamental Theorem of Algebra o kaya ang Dewey Decimal Classification para sumaya tayo. Isa lang naman ang dapat nating matutunan, ang magmahal.
Ang pagmamahal ay nakapagdadala ng maraming milagro. Ang mga bitter, nagiging blooming. *YANNIBABES!* Ang mga kalog, natututong magseryoso *GUMI!* Ang mga easy go lucky, nagkakaroon ng direksyon *PRINCE!* Ang mga walang pakialam sa mundo, nagkakaroon ng dahilan para ngumiti araw-araw *YOW!*. Talagang napakalaking kasiyahan ang magmahal. Kapag nagmamahal tayo, lahat ng bagay sa mundo, maganda para saatin. Lahat ng bagay, kailangan. Kapag tayo ay nagmahal, lahat ng bagay may kabuluhan.
No comments:
Post a Comment