Friday, July 13, 2012

Crush


"Kung baga, di kayo dalawang magkaibang magnet dahil siya yung magnet at ikaw yung naattract na turnilyo."

CRUSH.

Hindi na siguro mawawala sa buhay ng mga highschool students ang pagkakaroon ng crush. Lahat tayo, may crush na artista, athlete o kahit na sinong may itsura. Minsan nga, basta may appeal, crush na natin kahit na wala naman talagang mukha.

Pero bakit at papaano nga ba tayo nagkakacrush sa mga tao? Matanong nga si Pareng Google.


How Does A Crush Develop?










Admiring from Afar

  • It could be the server behind the counter at your favorite cafe, a co-worker or just someone you fantasize about that appears on a popular TV show. Regardless of who it is, a crush generally starts as slight admiration. You may see someone you think is cute, has a great personality or has some aspect that draws that person to you. People usually develop crushes on others after their first or second encounter with the person. You have an innate sense that a person may be a good match for you. Once that becomes apparent, a crush begins to develop.

Getting a Closer Look

  • After this initial stage of the crush, the "crusher, "the person who has the crush on someone, usually tries to spend as much time possible near the "crushee," the person being crushed on. This may mean acting like they have to do work every day at the coffeeshop where the crushee works, or trying to run into a co-worker at the fax machine, break room, etc. as much as possible. At this stage, the crusher is trying to be noticed by the crushee.
  • After you have tried to run into your crush as much as possible, you may try to strike up a conversation with your crush or make small talk or talk about something with a co-worker that they know he's interested in, such as a movie that just came out. At this stage, you're taking a chance and getting to know the crushee. This is about the time when the crusher engages in some harmless flirting and compliments the crushee.

Taking a Crush to the Next Level

If you've had luck chatting with the crushee, your crush on that person will more than likely become stronger. As you continue to come into contact with the crushee and get to know each other, there will come a point in time in which you will hint at going on a date with the crushee.

Kung binasa mo yung napakahabang copy-paste na'yon, walang duda. May crush ka. Interesado ka nga eh.

Sino ba si CRUSH sa buhay natin?
1. Vitamins- siya ang nagbibigay-gana saatin araw-araw. Yung tipong, ganadong-ganado ka magtrabaho dahil ang ganda ng mood mo gawa ng kinikilig ka kay crush. Parang Enervon lang.

2. Make-up- si crush ang nagsisilbi nating make-up. Isang ngiti niya lang siguradong mamumula ka na. Di na kailangan ng blush on o kung ano pa. Pero kakailanganin mo parin ng lipstick dahil baka dahil sa sobrang kilig eh, mamutla ka na.

3. Antidepressant- kapag malungkot ka, lapitan ka lang ni crush, parang nasa'yo nanaman lahat ng chakra sa mundo. Kung baga sa droga eh, stimulant. Madikitan kalang, mas hyper ka pa sa batang pumasay ng isang kilong asukal.

Hindi rin maiiwasan yung mga panahong, nasasaktan tayo dahil kay crush. Kapag nagseselos tayo sa gusto ng gusto natin. Eto lang yung mahirap eh. Masakit isipin na isang side lang yung naaattract. One-sided. Kung baga, di kayo dalawang magkaibang magnet dahil siya yung magnet at ikaw yung naattract na turnilyo. Pero hindi dapat tayo magalit kung ayaw satin ng gusto natin. Dahil meron ring gusto tayo na di naman natin gusto. Quits lang, sabi nga ni Bob Ong.

Totoo ngang nagsisimula ang crush sa simpleng pagappreciate sa positive traits ng isang tao. Admiration nga, kung baga. Nagsisimula ang pagkagusto natin sa isang tao, sa oras na may makita tayong maganda sakanya. At kadalasan, nababase ito sa panlabas na itsura.

At dahil nga masyadong mababaw ang dahilan ng attraction natin sakanila, madali rin itong nawawala. Kapagka may nakikita tayong mas "maappeal", gwapo o maganda, ang dali para saating ipagpalit sila. Kasi nga, namili tayo ng base sa ganda.

Ang crush, madaling nawawala, kaya hindi dapat pinoproblema. Chill lang. Gawin siyang inspirasyon, hindi distraksyon. Saka niyo na sila problemahin kapagka sigurado na kayong mahal niyo sila. Di yung crush ha. MAHAL. Napakalaki ng pagkakaiba. Kung baga sa pag-ibig, parang nagsuswimming ka sa malalim na dagat. Sa pagka-crush, para ka lang nagsuswimming sa baldeng mababaw. 

Kaya kung masyado ka nang apektado sa pinaggagagawa ni CRUSH, aba eh, magdalawang isip ka na. Tandaan mong hindi si crush ang buhay mo. Maraming taong nakapaligid at tunay na nagmamahal sa'yo. Sila ang mga dapat na pahalagahan mo ;)


Saturday, July 7, 2012

Pangarap


PANGARAP


PANGARAP. Lahat tayo meron niyan. Noong bata pa tayo, ginusto nating maging doktor, nurse o kaya naman teacher. Yung iba, ginusto maging engineer o technician. Yung kalaro ko dati, gusto maging artista. Ako, simple lang ang gusto ko noon. Ang maging sirena.

Nung maliit pa ako, mahilig akong magbasa at manood ng cartoons. Paborito ko noon ang The Little Mermaid. Gustong-gusto ko kasi ang kwento niya. Kung paano niya pinangarap na maging tao at makatuluyan ang taong mahal niya. Sabihin na nating maliit pa ako noon, pero talagang natuwa ako. Pero ang talagang nakapagpamangha saakin ay ang determinasyon niyang tuparin ang pangarap na 'to.



Marami saatin ang laging nagrereklamo na ang hirap mangarap. Maraming nagrereklamo na hindi raw nila kayang abutin ang kanilang pangarap. Pero ano nga ba ang talagang mahirap sa pangangarap? Libre lang naman 'to diba. Wala namang masama kung paminsan-minsan ay pasayahin natin ang ating mga sarili at paganahin ang ating imahinasyon.  Walang masama kung paminsan-minsan, ay pakinggan natin ang minimithi ng ating puso. Ang pangangarap ba talaga mismo ang mahirap, o ang pagtanggap sa katotohanang walang kasiguruhang matutupad ito?


Walang masama sa pangangarap, dahil ito ang nagpapakita ng ating pagkatao. Sa ating mga pangarap makikita ng totoong inaasam ng ating mga isip at puso. Ang totoong masama ay ang pagsuko sa ating mga pangarap. Ito ang indikasyon ng kahinaan mo. Dito makikita kung gaano kawalang pag-asa ang isang tao. 


Sa bawat pangarap, mahalaga ang pag-asa. Ito ang magiging dahilan ng hindi natin pagsuko. Ito ang magbibigay saatin ng kakayahang harapin ang bawat umaga at sabihing "Matutupad rin ang pangarap ko! Tiwala lang!"


Tiwala lang. Yan lang ang kailangan mo para maging masaya. Maniwala ka lang na lahat ng nangyayari ay maganda. Tiwala lang sa sarili ang kailangan para hindi tayo mawalan ng pag-asang mangarap. Tiwala lang na maabot mo rin ang pangarap mo. Tiwala lang.


Kaya nga hanggang ngayon, matindi parin ang paniniwala kong matutupad ang mga pangarap ko. Kahit magmukha man akong sira-ulo, naniniwala pa rin akong mapapasaakin tong gwapong 'to.


HAHA. Joke. Pangarap lang naman eh. Libre nga lang diba? Kaya lubus-lubusin mo na. HAHAHAHA.

Wednesday, July 4, 2012

WATERPROOF?


RELATE MUCH?

Isa na nga siguro sa mga pinakamagandang balita na natatanggap ng mga estudyante, ay ang suspensyon ng klase. Kahit pa may weekends, iba parin ang sayang dulot ng kanselasyon ng klase. Yung tipong ang aga-aga kaya mas masarap matulog. Walang sagabal sa pagyakap mo sa kumot. Walang alarm na kailangan mong i-snooze every ten minutes. Ito na siguro ang isa sa mga kasiyahang dulot ng malakas na ulan. Aminin na nating lahat na dahil dito, minsan na nating naipagdasal na sana may bagyo.

Pero ano naman kaya yung malakas nga ang ulan. Malakas rin ang ihip ng hangin. PERO WALANG TYPHOON SIGNAL. Parang gusto mong bawiin lahat ng pagdarasal mo dahil ang habol mo lang naman talaga ay ang kanselasyon ng klase. Pero dahil nga walang typhoon signal, kahit pa ang lakas na ng buhos ng ulan at ihip ng hangin, may pasok kayo. Dahil kapag walang typhoon signal, considered as waterproof kayo.

Kainis lang eh. Pero dahil estudyante lang tayo, wala tayong magagawa kundi umasang titila ang ulan para wala nang mabasa. O kung suswertehin, magtaas na ng typhoon signal sainyo. Haha. Para wala nang pasok.

Mga estudyante talaga, makaliban lang sa pasok, kahit pa bumaha na sa kalsada, ok lang.

Basta ba makapanood ng Dora the Explorer at iba pang morning cartoons.