PANGARAP
PANGARAP. Lahat tayo meron niyan. Noong bata pa tayo, ginusto nating maging doktor, nurse o kaya naman teacher. Yung iba, ginusto maging engineer o technician. Yung kalaro ko dati, gusto maging artista. Ako, simple lang ang gusto ko noon. Ang maging sirena.
Nung maliit pa ako, mahilig akong magbasa at manood ng cartoons. Paborito ko noon ang The Little Mermaid. Gustong-gusto ko kasi ang kwento niya. Kung paano niya pinangarap na maging tao at makatuluyan ang taong mahal niya. Sabihin na nating maliit pa ako noon, pero talagang natuwa ako. Pero ang talagang nakapagpamangha saakin ay ang determinasyon niyang tuparin ang pangarap na 'to.
Marami saatin ang laging nagrereklamo na ang hirap mangarap. Maraming nagrereklamo na hindi raw nila kayang abutin ang kanilang pangarap. Pero ano nga ba ang talagang mahirap sa pangangarap? Libre lang naman 'to diba. Wala namang masama kung paminsan-minsan ay pasayahin natin ang ating mga sarili at paganahin ang ating imahinasyon. Walang masama kung paminsan-minsan, ay pakinggan natin ang minimithi ng ating puso. Ang pangangarap ba talaga mismo ang mahirap, o ang pagtanggap sa katotohanang walang kasiguruhang matutupad ito?
Walang masama sa pangangarap, dahil ito ang nagpapakita ng ating pagkatao. Sa ating mga pangarap makikita ng totoong inaasam ng ating mga isip at puso. Ang totoong masama ay ang pagsuko sa ating mga pangarap. Ito ang indikasyon ng kahinaan mo. Dito makikita kung gaano kawalang pag-asa ang isang tao.
Sa bawat pangarap, mahalaga ang pag-asa. Ito ang magiging dahilan ng hindi natin pagsuko. Ito ang magbibigay saatin ng kakayahang harapin ang bawat umaga at sabihing "Matutupad rin ang pangarap ko! Tiwala lang!"
Tiwala lang. Yan lang ang kailangan mo para maging masaya. Maniwala ka lang na lahat ng nangyayari ay maganda. Tiwala lang sa sarili ang kailangan para hindi tayo mawalan ng pag-asang mangarap. Tiwala lang na maabot mo rin ang pangarap mo. Tiwala lang.
Kaya nga hanggang ngayon, matindi parin ang paniniwala kong matutupad ang mga pangarap ko. Kahit magmukha man akong sira-ulo, naniniwala pa rin akong mapapasaakin tong gwapong 'to.
HAHA. Joke. Pangarap lang naman eh. Libre nga lang diba? Kaya lubus-lubusin mo na. HAHAHAHA.
hi ye! may blog ka pala ha :))
ReplyDelete