RELATE MUCH?
Isa na nga siguro sa mga pinakamagandang balita na natatanggap ng mga estudyante, ay ang suspensyon ng klase. Kahit pa may weekends, iba parin ang sayang dulot ng kanselasyon ng klase. Yung tipong ang aga-aga kaya mas masarap matulog. Walang sagabal sa pagyakap mo sa kumot. Walang alarm na kailangan mong i-snooze every ten minutes. Ito na siguro ang isa sa mga kasiyahang dulot ng malakas na ulan. Aminin na nating lahat na dahil dito, minsan na nating naipagdasal na sana may bagyo.
Pero ano naman kaya yung malakas nga ang ulan. Malakas rin ang ihip ng hangin. PERO WALANG TYPHOON SIGNAL. Parang gusto mong bawiin lahat ng pagdarasal mo dahil ang habol mo lang naman talaga ay ang kanselasyon ng klase. Pero dahil nga walang typhoon signal, kahit pa ang lakas na ng buhos ng ulan at ihip ng hangin, may pasok kayo. Dahil kapag walang typhoon signal, considered as waterproof kayo.
Kainis lang eh. Pero dahil estudyante lang tayo, wala tayong magagawa kundi umasang titila ang ulan para wala nang mabasa. O kung suswertehin, magtaas na ng typhoon signal sainyo. Haha. Para wala nang pasok.
Mga estudyante talaga, makaliban lang sa pasok, kahit pa bumaha na sa kalsada, ok lang.
Basta ba makapanood ng Dora the Explorer at iba pang morning cartoons.
No comments:
Post a Comment