Saturday, June 23, 2012

Hm. Hayy. Hindi ko rin alam kung bakit ako gumawa ng blog. Kaya sisimulan ko nalang to with a simple Hi.

Hi :)

Ano ba yan. Haha. Nagiging baduy na naman ako. Sabi nila, maganda raw yung may sarili kang blog. Pwede kang magshare ng kung anu-ano sa mga taong wala kang ideya kung sino. Psh. Bakit ba kasi talaga ako gumawa ng blog? May bestfriend naman ako. Marami rin akong friends. Kaso lang nakakainis talaga kasi pag nagkwento ka, hindi talaga maiiwasang may mangiintriga. Highschool nga naman.


Buti huling taon ko na to sa highschool. Charoterang Frog! Fourth year na ako! Haha. Ibang-iba ang feeling kapag graduating ka na. As in iba. At pag sinabi kong iba, hindi basta iba. Hindi yung mainstream na iba kasi iba talaga. IBANG-IBA. Haha. 

Hay naku. Kung anu-ano na nilalagay ko dito. Namimiss ko tuloy classmates ko nung third year T.T Everytime na maiisip kong magkacollege na kami, nalulungkot talaga ako. Marami akong friends. May mga geeks, nerds, weird people, bobo people, cool and popular people at tsaka normal people. Ewan ko ba, ang dami kong kaibigan. Siguro dahil madali akong makaclose. O kaya dahil friendly lang talaga ako. Hahaha. Pero ang pinaka-close ko ngayon, mga PINAKA-KALOG na estudyante sa school. Hindi ko na sila classmates pero hanggang ngayon, sila parin ang lagi kong gusto makasama. Masyado parin akong attached sa kanila. Mahal ko sila eh. Kahit pa lagi nila akong iniintriga tungkol sa crush ko na lagi kong idinideny at kahit na ibinuking nila ako sa crush ko, wala eh. Sila talaga ang nakapagpapasaya sa buhay ko. Sobra kasi ang pressure sa akin. Honor student at student leader. Hirap kayang pagsabayin lahat. Ang hirap maging matalinong responsableng normal na tao. Mahirap maging perpekto. Pero pag kasama ko sila, nawawala lahat ng pressure na 'yon dahil alam kong tanggap nila ako kahit na ano pa ako.


Third year ko lang sila naging ka-close. Lahat nga raw sila, di makapaniwalang makaka-close nila ako. Lahat naman ng nagiging kaibigan ko, yan ang akala. Akala kasi nila, robot ako. Di nila alam, na kalog rin ako. Haha. Ayan, nagsimula lang sa laging magkakasama pag recess, tapos laging magkakasama pag may groupings hanggang sa lahat ng oras, magkakasama kami. Kaso lang, iba sila mang-intriga. Hahaha. Pag dating sa lovelife, kahit wala kang ganyan, asahan mong mammumroblema ka kapag naintriga ka na nila. Haha. Minsan nga pag may problema ang isa, lahat wala sa mood. Parang buong barkada ang may problema. Sabi nga kasi nila "True friends are those that make YOUR problems THEIR problems too just so that you won't have to go through them alone." Ganyan kami sa barkada. Share sa problema. Kapag broken-hearted ang isa, lahat damay-damay na. Kaya nga mahal na mahal ko sila. Miss na miss ko na sila.


Hay nakuuu. Alam ko wala naman kayong pakialam sa mga isusulat ko dito. Pero, patuloy akong magsusulat dito. Gusto ko rin kasing meron akong babalik-balikan pag college na ako. Dito ko ikukwento experiences ko bilang isang senior. Dito ko rin ilalagay lahat ng masasayang alaala na habang-buhay kong dadalhin sa isip at puso ko. Mga memories na hinding hindi ko kakalimutan~


SENTI MODE

No comments:

Post a Comment