Lahat tayo, merong bestfriend. Pwedeng may isa, dalawa, tatlo, o kaya mas marami pa tayong kaibigan. Pero meron talagang isang taong mangingibabaw sa lahat, yung BESTFRIEND natin.
Kinder ako nung makilala ko yung Bestfriend ko. Natatawa 'ko kapagka naiisip ko kaululan ko nung bata pa ako. Sa laki ko kasing tao, siya yung naging tagapagtanggol ko. Kapag umiiyak ako noon dahil ayaw akong pahiramin ng Barbie ng classmates kong sikat, siya ang nagpapatahan sa akin. Kapag magulo na ang buhok ko, siya ang taga-ayos. Hindi kasi ako marunong mag-ayos ng buhok. Kapag naman may nangaaway saakin, siya ang gumaganti. Kapag may pagkain ako, siya umuubos. Kapag may joke ako, siya ang nambabara. Kapag malungkot ako, siya rin ang nagpapasaya at nagpapatawa. At higit sa lahat, kapag may crush ako, siya ang nambubuking at nagpapahalata.
Hindi talaga maiiwasan na mag-away ang mga magkaibigan. Nag-aaway dahil sa di pagkakaintindihan. Nag-aaway dahil sa agawan ng crush, o kaya naman agawan ng gamit. Kami kasi ng bestfriend ko, minsan lang kung mag-away. At kadalasan, dahil pa sa laruan.
Grade 7 kami nun eh. May project kami sa Filipino. Gagawa daw kami ng Dayorama kaya nagdala ako ng animals na pang-design. Nagkataon, magkaparehas kami ng isa ko pang classmate. Sabi saakin ni BFF, "Ki TOOT yang isa dyan." Sinagot ko rin siya ng "Akin yung isa." Ewan ko kung bakit humaba pa yung usapan na'yon. At sa akalain mo at sa hindi, nauwi yun sa awayan. August nangyari yun eh. Nagpalipat pa talaga ako ng grupo para lang hindi ko sya makasama. Parang ulol lang. Haha. Basta ang alam ko, tatlong buwan kami nag-away ng dahil sa napakababaw na bagay.
Hindi ko alam kung papaano, pero nagkabati rin naman kami pag dating ng December. Christmas Party. Magulo kasi ang buhok ko. Di ako marunong mag-tali. Siya rin lang ang gusto kong nag-aayos ng buhok ko. Masakit kasi magtali ng buhok ang ibang tao. Nilapitan ko siya para magpaayos ng buhok. Inayos niya naman. Ilang minuto ang nagdaan, bati na kami. Ganon lang kadali.
Siguro ganyan talaga kapag mahal niyo ang isa't isa. Kahit gaano pa katagal ang away niyo, kahit gaano pa kalala o kahit gaano pa kasama ang nangyari, hahanapin at hahanapin niyo parin ang isa't isa. Mamimiss at mamimiss niyo rin ang mga panahon na magkasama kayong dalawa.
Kaya bestfriend, kung binabasa mo to ngayon, matouch ka. Kahit na namumuro sa kurot mo ang pisngi ko, BESTFRIEND parin kita. At hinding-hindi kita ipagpapalit. Tandaan mo yan ha?
No comments:
Post a Comment