Oh. Bagong post to. Haha.
Pressure. Pag-usapan natin ang pressure.
HAHAHA! Natatawa na lang ako.
Try niyo yung, pressured ka nang masyado sa Academics, dadagdagan pa ng Pressure dala ng responsibilities mo. Tapos nandiyan pa yung pressure galing sa barkada. Haha. Parang pressure cooker lang ang buhay ng tao. Pag-graduate ko, di na ako kailangang nguyain sa sobrang lambot. Lunok lang ng lunok. Laking pessure talaga dala ng pagfo-fourth year.
Anyways. Pa'no nga ba talaga kasi mababalance lahat ng bagay sa buhay ng tao? Pa'no mo magagawang mag-excel sa lahat ng bagay? Pa'no ba maging honor, president, student patrol, best friend, friend, peer counselor, peer mentor, cheverloo cheverloo nang sabay-sabay at magaling ka sa lahat ng iyan? Pa'no ba maging perpekto? Eh, kaya nga ba ng tao?
Ang hirap pagsabaysabayin ang tama at ang gusto mo. Dahil meron kang gusto, na hindi naman tama. At meron ring mga tama na hirap na hirap kang gawin.
Siguro para walang problema, gawin na mo nalang kung anong nakapagpapasaya sayo. Kasi kahit anong pilit mong gawin kung ano ang tama, kung labag naman sa loob mo, mahihirapan at mahihirapan ka parin. Wala tayong magagawa eh. Ganyan talaga ang life eh, parang buhay.
Ano ba yan. Ang dami kong ginagawa. Di ko na tuloy napapanood si Prince Jao sa Princess and I :'(
HAHA. KBye.
No comments:
Post a Comment